Hindi natin alam kong kailan titibok ang puso natin para sa pag-ibig. dahil kusa lang itong dumarating.
Hindi natin alam bukas makalawa MAHAL mo na pala siya.
Paano kung yung inaakala mong INFATUATION ay hindi pala.
Kung pwede lang maibalik ang oras, ibabalik ko yung mga oras kung paano tayo nagka-kilala
Babalikan ko yung dating tayo
Yung "TAYO" na walang iniisip kung 'di kasiyahan lamang
Yung "TAYO" na walang papantay sa relasyon natin sa iba
At yung "TAYO" na mahal natin ang isa't-isa
Pero ang lahat nang 'yan, isang ala-ala na lamang,
Dahil tinapos mo na ang salitang "TAYO" para sa ating dalawa.