"Ma'am, bakit niyo po naisipang mag-stay sa school na 'to? " Isang madaling tanong lamang iyan para kay Hinohara. Ngumiti siya sa estudyanteng nagtanong. "Mamimiss ko magturo dito eh." Napakunot lamang ang noo ng bata sa sagot niya. "Marami po ang kumukuha sayo bilang teacher sa mas sikat pa na school. Sayang naman po yung opportunities." Tumawa na lamang ang babae sa komento ng kanyang estudyante at muling nagsalita. "Dito kasi nagsimula ang lahat."