Si Patricia Chandria B. Manuel ay isang babaeng wala pang kasintahan. Siya ay 3rd year high school na, may normal na buhay at masaya kasama ang mga kaibigan niya kaso lahat ng kaibigan niya ay may kasintahan na, minsan ay naiinggit din siya pero nagtiyatiyaga siyang mag-hintay. Isang araw ay naaya si Chandria na makipag-laro ng truth or dare kasama si Christopher Ford E. Padilla, ang bad boy ng school, ayaw ni Chandria sa mga bad boy pero nakipag-laro parin siya. Ang mga kasintahan ng kaibigan ni Chandria ay kaibigan ni Christopher Ford kaya naman madali lang sila nagkasundo sundo, Except lang kay Chandria at Christopher. Pero dahil sa isang dare ay nag-bago na ang lahat. Dahil ba sa dare ay makikita niya ang kanyang love of her life o hanggang dare nalang talaga?