Tila ika'y isang musika na hindi inaasahang marinig, araling tugtugin at awitin nating dalawa. Ngunit ikaw pala ay ang isang kanta ng Parokya na bigla na lamang mawawala.
Ngunit hindi lahat ng nawawala ay mananatiling nasa kawalan. Hindi lahat ng ninanais mawala ay maglalaho na lamang ng parang bula.
Kadalasan, ang siyang nawawala ay ang higit na nananatili, patuloy na nanguusig at ang masakit, lumilikha pa ng marka na hindi mo na kailan man maalis.
Burahin mo man, permanente na. Iligaw mo man, hahanapin mo parin. Itapon mo man, kakailanganin mo parin.
Tila ika'y legatto sa aking pyesa, patuloy na tumutunog. Patuloy kang naririnig.
Memories. They aren't that nice. You know why? Because it may hurt us too. May make us feel the pain we used to feel. But are you ready to go back? are you willing to sacrifice just to feel that again? Feel that pain again? Mababasa mo kaya ito? Mararamdaman mo rin kaya yung naramdaman ko sa tuwing ika'y tinitignan ko?