Ang babaing maituturing na modelo sa buhay namin. Sa kanyang pisikal na katangian, siya'y may taas na mahigit limang talampakan at katamtaman ang hugis ng katawan, na tama lang para sa mga modelo.
Kayumanggi ang kanyang kulay hindi kaputian at hindi naman kaitiman ang kanyang balat na masasabing siya ay tunay na Pilipina.
Sa hugis ng kanyang mukha ay bilugan at kung pagmamasdan ay napakamahinhin ng awra na tila napakaamong bata kung siya'y titigan.
Ang kanyang buhok ay maikli na kulot at may magkahalong kulay puti't itim na nangangahulugang kukulubot na ang mga balat sa taon niyang limampu't apat.
Singkit ang mga mata , lalo na kung siya'y nakangiti na halos hindi na makita ang mga bilog sa mga mata. Tinatawag siyang chinita ng nakararami.
Siya ay maihahalintulad namin sa isang dalagang Pilipina sa taglay niyang malarosas na ganda.
Sa kanyang panloob naman, siya'y walang kapares kung magmahal dahil nababalutan ng ginintuang puso. Mga bisig niyang mapang-aruga sa amin niyayakap ng mahigpit.
Mga mata'y sa amin nagmamasid nang kami'y hindi mapariwara ng landas na tatahakin. Tinuturuan kami ng kaugaliang pang-moral, spiritwal ng mailayo sa kalbaryo ng buhay.
Tunay na ikaw Ina ang modelo ng aming buhay, dahil sa nabibighani mong katauhan na sa amin iyo'y pinagunita.