Siya ay hinahalintulad ko sa isang kalabaw, madaling araw pa lamang ay gising na siya at kumakayod na. Siya ang aking Ama , amang mabait, mapagmahal, masioag,matiisin,mapagbigay at maintindihin.Hindi niya iniisip ang karitaan at pagod kahit magkakandakuba na siya; inuuna parin niya ang pamilya niya bago ang sarili. Siya ang akng ama, ulirang ama kahit kmi ay pasaway at walang galang sakanya,hindi pa rin siya nagbabago,ni Hindi mo man lang siyang makitang magngitngit sa galit kagaya sa ibang Ama, siya pa nga'y nagiging payaso na,para ang mala-tigre naming mukha ay umaliwalas at matuwa na. Buhay prinsesa kami'y kung tawagin,mulat pagkabata buhay napakaginhawa,ni ayaw madumihan at magasgasan ang aming mga palad.
Naging dakilang pambura siya sa aming kamalian. Kahit ilang ulit kaming nagkamali at nadapa ,palagi siyang handa upang kami ay itama.
Iyan ang aking Ama,amang handang magpa-alipin sa iba katulad ng kalabaw upang maibigay ang kaginhawaan ng iba,kahit gusto na niyang bumitaw
Isang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan.
Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang katapusan. Ngunit kapalit pala ng kalayaan at kapayapaang inaasam ng lahat ay ang sarili niyang buhay.
Handa niya bang isakripisyo ang kaniyang sariling buhay alang-alang sa mga minamahal niya at sa mga umaasa sa kaniya? O mas pipiliin na lamang niyang mamuhay nang normal malayo sa mundong talagang kinabibilangan niya? Tatakasan ba niya ang kaniyang kapalaran o buong tapang niya itong haharapin at buong puso niyang tatanggapin ang kapalit ng kalayaan at kapayapaang hinahangad ng lahat?