Ang kwentong ito ay base sa buhay ng matalik kong kaibigan ko na itatago natin sa pangalang Gene. Matagal na niyang iniwan ang pagtuturo at nag-concentrate na lang sa business niya at matagumpay na naitaguyod ang isang maliit, nguni't maunlad na negosyo. Hayaan nating siya ang mag-kwento ng kanyang buhay bilang isang discreet na bading ayon sa pagkaka-kwento niya sa akin. Ang mga pangalan ay sadyang binago para mapangalagaan ang pangalan ng mga tauhan sa kwentong ito.