Simple lang naman ang gusto ni Kent Harada, at iyon ay ang makahanap ng isang dormitoryo na kaniyang titirhan upang maging malapit siya sa unibersidad na kaniyang lilipatan. Nakahanap siya ng isang dormitoryo. Ang tanyag na Dormisteryo dahil sa kakaibang pangalan nito. Sa paglipat niya rito, inakala niya na magagawa niya nang takasan ang kaniyang nakaraan, ngunit doon siya nagkamali. Dahil sa dormitoryong iyon magpapatuloy ang lahat ng misteryo sa buhay niya...