Published! Please grab a copy for only Php50.00 thank you. Available in PPC stores, NBS and other booktores nationwide. "Mahal kita kaya hindi ko kayang makita kang malungkot. Hindi bale nang magmukha akong clown, ang mahalaga napangiti kita." Hindi feel ni Amara si Radius Guevarra, lalo na ang pangungulit nito. Alam niyang pinagtitripan lang siya ni Radius, na-challenge sa isang tulad niyang demure at fragile, ibang-iba sa mga babaeng nakasalamuha nito sa France kung saan ito nagtapos ng pag-aaral. Pero sorry na lang si Radius dahil ang mga mata at puso niya ay nakatuon lang sa iisang lalaki-kay Randall, ang kuya ni Radius. Pero nang manganib ang buhay ni Amara, ipinagkatiwala siya ni Randall kay Radius para bantayan. Dinala siya ni Radius sa Bicol para ilayo sa mga taong nagtatangka ng masama sa kanya. Hindi alam ni Amara kung may mahikang hatid ang kagandahan ng Bulkang Mayon na naging saksi sa mga pamamasyal nila ni Radius. Sa bawat araw kasi na magkasama sila, hindi na siya naiinis sa lalaki dahil ginagawa nito ang lahat para mapasaya siya. Nabaril pa ito sa pagsagip sa kanya. Hindi puwedeng magkaroon siya ng ibang damdamin para kay Radius. Nakakahiya kung may nararamdaman siyang something sa kapatid ng lalaking iniibig. Pero nang matikman ni Amara ang yakap at halik ni Radius, naguluhan siya. Sino na ba sa magkapatid ang mas matimbang sa kanyang puso?