Ito ay kwento ng isang anghel na umako ng kasalanang hindi naman talaga niya ginawa. At bilang kaparusahan ay ibinababa siya sa lupa, at ginawang tao sa loob ng isang daang taon. Sa loob ng isang daang taon, kailangan niyang mahanap ang lahat ng mga Fallen Angels, na sanhi ng kasamaan sa mundo. At kung mabigo ito, kahit kailan ay hindi na ito makakabalik pa sa langit upang maging isang anghel, at maglalaho na lamang ito ng tuluyan. ''What could go wrong with a little sacrifice?''