DISCLAIMER: This book is published by VIVA PSICOM PUBLISING INC.
Dear Kung Sino Ka Man,
Sabi nila, sa panahon ngayon, wala nang magic, 21 nalang ang may forever, at sa sine mo nalang daw mae-experience ang true love.
Naging mailap na raw ang mga salitang 'I love you' at 'Miss na miss na kita.'
Ikaw? Naniniwala ka pa ba?
Naniniwala ka pa ba na kaya parin nating gawing cherry blossoms ang puno ng mangga? Na kaya pa nating pabagalin ang ikot ng mundo? Na kaya nating patunayan na ang lahat ng problema ay nareresolba, pati problema sa pulitiko, basta nagmamahalan tayo?
Kung Sino Ka Man, naniniwala ka pa rin ba sa true love?
Sa forever?
Naniniwala ka parin ba sa magic na kaya nating ipamalas sa mundo habang magkasama tayo?
Nagmamahal,
Kung Sino Man Ako
Ever since she was a kid, Solea Sta. Ana was fascinated with the only surviving American era house built in early 1900s in their town. Kaya naman nang magkayayaan ang kanyang mga kaklase na libutin ang nasabing bahay na kilalang-kilala sa kanilang mga bata noon bilang haunted house, ay isa siya sa sumama.
And that's when the weird dreams and things started to happen.
Two decades later, she was back in town again, and was able to visit the place.
Not expecting what was waiting for her.