Dahil sa masaklap na break up ni Tiffany sa kanyang gwapo at mabait na boyfriend ay napagpasyahan niyang umalis muna sa siyudad kung saan sa bawat tanaw niya sa paligid ay ang damuhong ex niya ang naalala niya. Nang masiraan siya ng sasakyan sa kalagitnaan ng madilim na kalsada, aksidenteng nahulog siya sa may bangin. "Shit. Nasaan na ako?" napabalikwas siya ng bangon at agad na naramdaman ang pagkirot ng buong katawan niya partikular na ang kanyang ulo. Nakangiting pumasok ang isang lalaking may nakasabit na stethoscope sa leeg at may hawak na kape. "Oh. Hi, miss. Gising ka na pala. You're currently here at my house. I'm Dion Fidel. I'm not a bad person. I'm actually a doctor. You can trust me to take care of you." Lalo yatang sumakit ang ulo niya nang masilayan ang nakakasilaw na kagwapuhan nito. Maliwanag lang ba o nagliliwanag talaga ang paligid nang masilayan niya ito? Handa na ba siyang sumugal uli sa pag-ibig? Handa bang gamutin ni Doc ang puso niyang sugatan?