Kasagsagan ng tanghaling tapat, naglalakad sa ilalim ng arawan si Rosario pabalik sa kanilang pinapa-upahang apartment nang mamataan niya ang isang lalaking maliwanag pa sa Araw. Natatawang pinagmasdan niya ang lalaki dahil pulos dilaw ang suot nito. Dilaw na T-shirt, dilaw na pantalon at sapatos, dilaw na relo maging ang buhok nito ay dilaw rin Kung hindi lamang matipuno ang pangangatawan at brusko ang paglalakad ng lalaki ay napagkamalan na niya itong bakla. Pero malay niya ba? Hanggang sa maka-uwi ay muli niyang nakita ang lalaking parang Hepatitis, eto pala ang magiging bagong tenant ng kanilang apartment.