"Mabuti siya saakin pero hindi nangangahulugang hindi niya ako pagtataksilan" Mapagmahal,maalalahanin at hinahangaan ganyan ko siya ipinakilala. Napakabuti niya sa akin. Lahat na ata ng magagandang alaala ay nasa amin na. Nakapanghihinayang dahil kong iisipin natin ang mga ito hindi mo aasahang mauuwi ito sa bangayan. Elementarya palang ako siya na ang kaibigan ko, kalaro at kakampi ko. Lumipas ang panahon pero ni sino man ay walang nakabuwag sa aming samahang kay tatag nang nasa sekondarya na kami. Sa aming pag - aaral sa sekondarya dito na nag - umpisa ang kapusokan ng mga babae. Pagkakaroon ng kasingtahan, o taong hinahangahan. Sa aming matagal na hindi pagkikita nawala siya sa isipan ko at nalibang sa bagong buhay ko. Isang araw bigla - bigla siyang nagparamdam. "Tol, mayroon akong irereto sayo, isang lalaki"wika niya. Sabi ko naman huwag na. Hindi siya nagtigil pagkaraan ng ilang araw naisip ko ang sinabi ng kaibigan ko at sinungaban ko naman agad ito. Pagkaraan nag ilang buwan naging kami at ang pagmamahalang umusbong sa amin ay napalago. Dahil sa sigaw ng aming mga puso't damdamin nagpataw kami ng kasunduan na walang hiwalayan. Ngunit masalimuot ang naganap dahil ang pagmamahalan umusbong ay parang bula na naglaho. Ang kaibigan kong tinuring na parang isang kalasag siya palang tutuklaw sa akin. Hindi ko lubos akalahin na magagawa niya. Galit na galit ako, bakit siya pa? tanong ko sa sarili. Parang binagsakan ako ng isang truck na bato. Ngunit okay lang, ganyan talaga ang buhay. Inisip ko nalang na siguro hindi kami ang itinadhana. Sapagkat hindi naman lahat ng ninanais natin ay ibibigay. Marapat lamang na tanggapin at magpatawad dahil para sa ating sariling kapakanan naman ang mga ito. Ang Diyos nga ay nagpapatawad tayo pa kayang mga anak lang niya. Kung nagpapatawad ka nasa iyo ag biyaya. Sa huli tinanggap ko pa rin sa aking puso ang kaibigan ko at itinuring din isang aral ang dati kong iniirog sa kadahilanang natuto akong magpatawad at magmahal.All Rights Reserved