Si Ellise ay ang nag-iisang babaeng anak ng pinakamayaman na angkan sa kanilang bayan. Siya lang naman ang anak ng Mayor. Perpekto ang buhay niya para sa kaniya. She gets everything she wanted. Pero ang nag-iisang exemption lang doon ay lalaking mahal niya. Everything is well-planned. Ang transformation niya, na mula sa pagiging boyish ay siya'y magiging babaeng babae mula sa ulo hanggang paa. Magbabago ang kaniyang ugali, na magmula sa pagiging amazona at basagulero ay siya'y magiging sweet at caring sa lahat. Sa pagbabago sa kaniyang sarili, doon niya marerealize na kahit ano man ang kaniyang gawin, meron talagang mga bagay na hindi mo makukuha. Ngunit paano kung ang gusto niyang mangyari noon pa man ay ngayon pa lang mangyayari? At paano kung huli na ang lahat?