Kadiliman.. Wala akong ibang makita kung hindi kadiliman. Nasaan nga ba ako? Ang tanga ko para ngayon i-realize ang mga bagay na dapat noon ko pa pinakinggan. Ngayon, pati ang mga taong nasa paligid ko nadamay dahil sa kapabayaan ko. Masakit kasi kahit hindi ko sila kasundo, kahit hindi ko sila minahal gaya ng isang mabuting kaibigan. Tinuring nila akong matalik na kaibigan ngunit ako? Wala. Patuloy sa pangbi-bitch. Ngayon... Ako ang nahihirapan dahil hindi ko inisip ang mga dapat na inisip ko simula pa lang. Ang mga magulang ko. S-sana hindi s-sila umiiyak gaya ng palagi nilang ginagawa kapag gumagawa ako ng kalokohan. Mahal ko sila sobra. Hindi ko lang ipinakita. Totoong nasa huli ang pagsisisi. Masakit! Physically and Emotionally. Pero wala, Kailangan kong harapin kung sino ang nasa likod nito. "T-tulong! Ugh!." - Iika ika sya habang papalapit saakin. Ang kulay Pink na damit niya naging pula na, puro galos, pasa at higit na nakapukaw ng pansin ko ang mata niyang lumuluha.