Kung wala siguro ang twitter wala na rin ako. Ay hindi erase erase kung walang twitter hindi ako sisikat . Pero pake ko ba kung sumikat ako? Gusto ko lang naman mailabas ang damdamin ko. Napakabitter ko daw hahahaha. Isang nakakalokang tawa lagi ang binibigay ko sakanila pag sinasabihan akong bitter. Mas nakakatawa nga kasi hindi pa ko nagkakaboyfriend ever since. Ibig sabihin NBSB - NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Pero ang bitter ko. Bakit taken lang ba ang pwedeng maging bitter? Hindi diba?! Para rin yun sa mga taong madaming crush at laging sawi sa salitang PAG-IBIG. Pero paano kung makakita ako ng katapat? Yung bawat kibot ko sa twitter babarahin ako? Paano kung mabago niya ako? Magbago kaya ang pagiging bitter ko? Kagatin kaya ako ng isang milyong langgam para mawala ang kabitteran ko? Samahan akong ayusin ang napakagulo kong twitter life. Ayusin? Buti pa ung twitter life/ social media pwedeng ayusin eh kami? Tapos na nga hindi na maayos habangbuhay.