
Sa sobrang galing nyang makipaglaro MVP na sya. Ang galing nya kasing paglaruan ang feelings ko. Ay! Mali. Feelings pala naming mga pinaglaruan niya. Sa totoo lang Varsity na sya sa pakikipaglaro. Sa sobrang galing nyang malaro hindi mo talaga kayang pigilan ang sarili mong labanan pa ang nararamdaman mo para sa kanya. Kaya heto. Nauwi sa pagkatalo. Pagkatalong nagpawasak ng puso't nagpabagsak ng luha. Pero ngayon babangon muli ako at kung Dati'y nakapuntos na sya ngayon ako naman ang babawi sa kanya. Di ko na hahayaan pang makapuntos syang muli dahil sa pagkakataong ito. Sisiguraduhin kong AKO ang mananalo sa pangalawang pagkakataon.All Rights Reserved