Nakakatuwang isipin na pagkatapos ng Madaming taon, atlast! May nakapansin na rin sa taglay kong kagandahan. Lol. Pero sabi ng mga Kaptibahay namin, maganda naman ako. Perfect package na nga daw e, Maganda, Mabait, Matalino (Thank you friends sa pagpapakopya! lol), Masarap magluto (Hah. Baka joke lang nila yon kasi wala silang ulam nung araw na yon), Masipag (Ikaw ba naman maglaba maghapon! Jusko!), Ano paba mga positive traits na lagi nilang pinapaulan? Hm.. anyways. Ayon na nga! May ibang nakapansin, i mean. Atlast! Di na kapitbahay namin ang pumupuri sakin. May iba na... lagi niya kong pinauulanan ng mga kung ano anong mabulaklak na salita at mga papuri. Naniwala naman ako. Ayon pala kasinungalingan lang... o hindi? Magulo. Sobrang gulo. Hindi ko na alam ang Kasinungalingan sa Katotohanan.