Ako 'yung tipo ng babae na mahilig magbasa ng libro at manood ng pelikula. Ang pinaka paborito ko pa ay mga romantikong istorya. 'Yung mukhang tanga akong naka-ngiti kapag kinikilig sa love story ng mga bida. 'Yung naiinis pa ako sa bida kasi kawawa na nga siya hindi pa lumaban. 'Yung iiyak pa ako kapag naghiwalay 'yung couple sa istorya. Mas apektado pa ako kaysa sakanila. 'Yung naiinis pa ako sa nagsulat ng istotya na 'yun kapag hindi sila nagkatuluyan. 'Yung nagpupuyat pa ako matapos ko lang 'yung istorya na 'yun. Akala ko sa mga nababasa at napapanood ko lang mararamdaman 'yung kilig. Akala ko doon lang ako maiiyak. Pero hindi.. Nang makilala ko siya, naranasan ko sumaya, kiligin, umiyak at masaktan. I, Issabelle Mendez, I'll give you all of me, Yexel Pascual.