Quotes lang laman neto. Yung iba po nakuha ko lang sa wattpad. Yung mga binabasa kong kwento at naiisip ang nandito.
Hindi ko naman po aagawan yung line nila. Trip ko lang talagang isulat dito kasi ang cute hehehe.
"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko.
Tumawa sya.
"Ang common ng tanong mo," saad nya.
"Pero sige. Sasagutin ko yan."
Tumikhim sya saglit bago magsalita.
"Kapag nakikita mo sya habang bumabagal ang paligid at sobrang lakas ng tibok ng puso mo. Kapag magkakasama lahat ng minahal mo pero ang atensyon mo nasa kanya lang. Yung saya, sakit, at lungkot na nararamdaman mo mapapawi sa oras na ngumiti na sya. At kapag sinaktan ka nya hindi ka magagalit kundi mamahalin mo pa rin sya."