Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)
23 parts Complete "If I didn't make it as your leading man on this stage play. Siguro naman qualified ako in real life."
Teaser:
A Rich Man Son's Confession
The girl's name is Darlene, and music brought her to me. Nakilala ko siya sa mga panahon na kailangan niya ng makakapitan at tutulong sa kanya. Dumating siya sa buhay ko, sa mga panahon na wala akong pakialam sa iba maliban sa sarili ko.
Hindi ko akalain na magiging makabuluhan ang lahat dahil kay Darlene. Para lang pumayag ako na maging leading man niya sa Musical Play, akalain n'yo ba na niligawan niya ako? I was too overwhelmed with what she did, kaya naisip ko sakyan ko na lang ang gusto niya. Hindi naman talaga ako papayag, pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na masaya kasama siya. Hanggang sa tinanggap ko ang offer niya, I became her leading man. Hindi ko akalain na darating ako sa punto na, pati sa totoong buhay ay gugustuhin ko na maging leading man ni Darlene.
But things aren't easy as I thought it should be. Pinaalala sa akin ng pagkakataon na hindi nga pala ako ang mahal ni Darlene, at may hinihintay siyang bumalik. Nang bumalik ang lalaking tunay niyang mahal. He confronted me. But I casually deny what I feel. Okay na dapat ang lahat, di ba? Okay lang naman sa akin kung hindi niya ako mahal, kahit na nasasaktan ako. Lalaki ako at kaya kong i-handle ang nararamdaman ko. Pero bakit parang nasasaktan din siya?