Umpisa pa lang sinabihan na kita na hindi ikaw ang magiging priority ko dahil hindi lang naman sayo iikot ang mundo ko. Nilinaw ko rin sa iyo na marami akong plano sa buhay at plinano ko yun ng wala ka kaya wag kang mag expect sa akin na kasama ka. Sige sabihin na natin na nag ang harsh ko sa part na yun pero iyon yung mga patakaran ko sa buhay. Siguro sa gantong paraan ako nahubog ng mundo, kaya I'm sorry dahil ako pa yung napili mo kahit ang dami namang babaeng nag hahangad ng atensyon mo. Selfish nga raw ako sabi ng iba kasi puro sarili ko ang iniintindi ko at tanga rin raw ako. Saan pa daw ba ako makakahanap ng tulad mo na kayang tagalan ang ugali ko. Baka nga tama sila na selfish ako. Kasi kung papipiliin man ako kung ikaw o yung pangarap ko, kahit na alam kong masasaktan ka pipiliin ko pa ring abutin ang mga sinet kong plano sa buhay. Kaya papalayain na kita, hindi dahil sa hindi na kita mahal, dahil alam kong hindi ako yung babaeng deserving para sayo. Hindi ako yung babaeng kayang suklian yung mga ginagawa mo. I love you pero alam kong hindi ka sa akin sasaya. Alam kong makakahanap ka rin ng taong ikaw ang magiging priority. Yung go agad kapag isasama mo sa family gatherings nyo, hindi ka mapapahiya dahil hindi kayo late na dadating sa mga special occasions or events, at hindi agad uuwi or kayang mag stay sa kalagitnaan ng kwentuhan or kasayahan kapag kasama mo yung mga friends mo. Kaya pinapalaya na kita. I love you but I'm not the one for you.