Buong buhay ni Carmela Vivien Alvaro ay naging sunod-sunuran lang siya ng kanyang ama. Hindi siya gumagawa ng mga sarili niyang desisyon. Iisipin niya muna ang kasiyahan ng iba bago siya. Ganoon siya, hindi siya makasarili. Ngunit dumating sa punto na pagod na siyang diktahan, ayaw niya na, sobra sobra na. Masyado nilang inaabuso ang kabaitan niya. Pati ang kaisa-isang bagay-tao na makakapagpasaya sa kanya ay pinagbabawalan pa nila, nanggalaiti siya sa sobrang galit. Now, she became someone too wild to handle.