Isa si Lati Osco sa pinagkakatiwalaang kawal sa bayang Orsola. Hindi ordinaryong kawal si Lati sa kanilang bayan sapagkat nararapat siya sa mataas na posisyon, ika nga niya. Hindi maiwasan ni Lati na mabulag sa kayamanan at alam iyon ng lahat pero kahit na ganun si Lati ay di naman niya kayang pagnakawan ang bayan ng kanyang nayumaong kaibigan. May kailangan lang talaga siyang tapusin dahilan para manirahan at maging isang tapat na kawal ito...yun ay para sa kaligtasan ng bayan at ang makapag higante. Paano kung siya ay pagbintangan? "Isa kang sakim! Pumasok ka bayang ito dahil naglalaway ka sa kayamanan ng hari! Ninakaw mo rin ora mismo ang mga mamahaling kagamitan ng Hari! Nang dahil jan! Paparusahan ka ng panghabang buhay na pagkakakulong sa selda ng kusingan! Desisyon ng hukom." Napuno ng galit at inis si Lati sapagkat alam niyang plinano ito, dahil siguro'y alam nito ang pakay ng dalaga at nakpag handa na ito. Ngunit sadyang malakas ng tama ng swerte sakanya, dahil sanay sa habol habulan si Lati at nakalusot pa sa seldang akala ng iba'y tuluyan ng kanyang maging tirahan. "Bantayan ng maigi ang magnanakaw. Dahil sa oras na makatakas ito...Alam niyo na kung saan saan kayo mapapadpad. Laru tayo ng habul habulan saka ko haharapin ang inyong pekeng hari at akin itong kikitilan."