Ano ba ang Bestfriend? Nakakain ba yun? Bagay ba yun? Lugar? No! It is the best among your all friends. Sila yung kasama natin lagi. Pinagsasabihan ng mga secrets natin. Labasan ng sama ng loob kapag hindi na natin kayang kimkimin. Sila yung nagsasabing kaya nating gawin yan kahit naman imposible. Yung taong pagtatawanan ka kapag nadapa ka imbis na tulungan ka kaya makikisabay ka na lang din sa pagtawa. Yung taong pwede kang sabihan ng harsh na word nang hindi ka magagalit. Yung taong hahampasin at kukurutin ka ng walang dahilan tapos tatawanan ka kapag naasar ka na. Yung nagiging baliw ka kapag siya ang kasama mo. Kasabwat sa kalokohan. May iba't iba tayong definition ng salitang 'bestfriend'. Pero kahit gaano pa kadami ang definition ng bestfriend, Dalawang word lang ang pinakamadaling description sa salitang 'BESTFRIEND" Sila ang ating ALTER EGO.
1 part