The Prince's Secret (Soon To Be Publish Under PIP) (Completed)
Lumaki mula sa marangyang pamumuhay ang kaisa-isahang anak ni Haring Solomon na si Prinsipe Klark Daniel Laviotè, na siyang hahalili at magiging tagapagmana ng trono mula sa ikapitong isla.
Kagaya ng isang kaharian, ay kailangan niya ng makakasangga sa buhay - ang magpakasal sa isang dalaga mula sa isang kilala at sikat na angkan upang hindi mawala ang kanilang yaman.
Subalit hindi napupusuan ng prinsipe ang dalaga, bagkus isang sikreto ang kailangan niyang itago para sa ikabubuti ng buong kaharian. Isang sikretong kailangan niyang protektahan. . . . na walang makaalam na umiibig siya sa isang lalaki.