Napangiti ako nang masilayan ko ang pinakamamahal kong babae nakumakaway sakin, tuwang-tuwa na makita akong naghihintay sakanya. Nang tumigil ang sinasakyan niyang carousel ay agad itong tumakbo papalapit sakin, handang-handang tanggapin ang yakap ko at ang mga pulang rosas na nagbabadyang mahawakan ng kanyang mga kamay. Ngunit unti-unti siyang nawawala sa paningin ko dahilan para mapuno ako ng pangamba at takot. Hindi maaga pa para doon, hindi siya maaring mawala...