Matapos ang matamis na pagtatapos sa unibersidad, akala nina Carmelle at Anton ay sapat na ang kanilang pagmamahalan para labanan ang mundo. Ngunit ang realidad ay hindi isang simpleng musika. Nang makuha ni Anton ang kanyang pangarap na maging bahagi ng New York Philharmonic, ang distansya ay unti-unting naging pader sa pagitan nila. Habang nilulunod ni Anton ang kanyang sarili sa gilas ng Manhattan at sa mga bagong mukhang susubok sa kanyang katapatan, nanatili si Carmelle sa Pilipinas bilang isang dedikadong Music Teacher. Ngunit paano mo ituturo ang ganda ng musika kung ang sarili mong puso ay unti-unting nawawala sa kumpas?
More details