Simula ng magkawatak watak ang pamilya ni Michelle Esperame, hindi na ito nakaranas ng buhay dalagang uri ng pamumuhay. Isinilang man siyang may gintong kutsara sa bibig, unti unti naman itong nawala dahil sa pagkakamali ng kaniyang ina na. Hindi naging madali ang buhay niya nang sumama ang ina nito sa ibang lalaki. Bilang panganay, tumayo siyang ilaw ng tahanan sa kaniyang kapatid na si Marck. Bagama't paralisado ang ibang bahagi ng katawan ng kaniyang ama ay nagtatrabaho pa ito bilang driver. Hindi sapat ang kinikita nito upang tustusan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan kaya't natutong magtrabaho ang babae habang nag-aaral. Sa umaga ay pumapasok, sa gabi naman ay rumaraket ito bilang labandera. Nakapapagod man ang sitwasyon ng dalaga, hindi pa rin ito sumusuko sa hamon ng buhay. Hindi naniniwala sa pag-ibig at pakikipagrelasyon ang dalaga dala na rin ng nasaksihan niya sa kaniyang ina. Tanging sa pamilya niya lamang ibinubuhos ang kaniyang pagmamahal at pagpapahalaga at hindi sa ibang tao. Nadagdagan pa ang kaniyang mga suliranin nang iwan sa kaniya ng ina ang anak nito sa ibang lalaki, at ito ang katotohanang hindi niya matanggap. Si Sandro Marcos naman ay ang binatang galing sa mayaman at makapangyarihang pamilya. Anak siya ng isang dating senador at kagalang galang na tao. Maalwan ang kaniyang pumumuhay dahil hindi nito alintana ang mga pagsubok dahil ika nga'y hindi sila nauubusan ng pera. Sikat rin ang binata dahil sa itsura nitong kinahuhumalingan ng lahat. Palaging pinagtatagpo ng tadhana ang dalawa at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabuo ang pagtingin ni Sandro kay Michelle. Ngunit ang kalooban ng dalaga ay nananatili pa ring bato. Alam niya ang mga posibilidad kung sakaling pagbigyan niya ang nararamdaman ng binata. Ngunit sa estado ng buhay nila, mangibabaw man ang pagmamahal,nasusupil pa rin ito ng pera na siyang nagpapatakbo sa lahat. Malampasan kaya ng dalaga ang mga pagsubok na ito o isa rin siyang tatalima sa liwanag ng salapi?