Mga tulang hinugot ng isang simpleng tao sa kanyang malikot na kaisipan kung saan pinagsama-sama ang tamis ng realidad, pait ng pantasya, at sampal ng kanyang mundong ginagalawan. Samahan pa ng kanyang mga kaunting karanasan, mga hugot, mga kabaliwan, kabagutan sa mahabang bakasyon, lusaw na ice cream, at instant noodles. Wala nga lang mga title dahil tamad ang author kaya mga date lang ang nakalagay. Ang matamaan, eh di wow, naka-relate ka.