Faith Sorbero. Isang pangalang walang dinig. Ni hindi nga kilala ng kanyang mga kapitbahay sa kabilang kanto. Pero kahit ganoon paman ginagawa niya ang lahat para lang may mapakain sa kaisa-isang taong nag bibigay sa kanya ng rason upang mabuhay--ang kanyang kapatid. Sa tinig na ibiniyaya sa kanya ng Diyos susubukan niyang gamitin ito upang mas mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang kapatid, kahit pa alam niyang mas imposible pa ito kaysa sa pagkakaroon ng snow sa Pinas. Hindi siya susuko kahit ilang beses pa siyang echapwera at ilang bese siyang masaktan. Isusugal niya ang lahat wag lang ang kanyang alas na nagbibigay sa kanya ng lakas. Ngunit pano kung mismong tadhana na ang humiwalay sa kanyang katawang lupa at kaluluwa. Kaya niya bang ibahin ang daang sinusunod ng kanyang kapalaran? at masabing kahit patayin niyo ko nasa akin parin ang tropeyo na nagsasabing nagwagi ako gamit lamang ang aking tinig na siyang ginamit upang aking maiawit ang FIGHT SONG.All Rights Reserved
1 part