"Shit!" Nasaad ko nang mapagtanto ko kung ano talaga ang totoong nanghari... Bakit hindi ko naisip? Napakababaw ko naman diba? Napatayo ako bigla at naglakad palabas na nakapamulsa, wala na akong pakielam kung pinagtitinginan ako basta kailangan kong mahuli ang gumawa nito... "MIKE! BWISET KA! BUMALIK KA DITO! BALIK MO YUNG DONUT NA KINAIN MO KUNDI MAKAKAABOT KA TALAGA SAKIN!" sigaw ko nang makita ko syang kumakain sa isang tabi. Nagmistulang istatwa sya nung sumigaw ako. I smirked, humanda talaga yang lalaking yan! "Ah eh sorry Luke! Oh eto!" Sabi nya habang kinakamot yung batok nya at inabot yung nangangalating donut. Hay nako lalaking ito, mapapapalo ka nalang talaga sa ulo mo eh. "Tss... Wag na, nahiya naman yung nangalahating donut ko sayo eh" ngisi ko sabay batok ng napakalakas sa kanya na ikinahiyaw nya at ikinatawa nang mga kaibigan nya. Mabuti nga sa kanya. Tsk, may pangalan na nga sa lalagyanan kakainin pa. "Lucifer Breghman... Code RED" i smirked, atlast!All Rights Reserved
1 part