Nagmahal ka na ba? Nasaktan at naloko? Yung tipong halos ibigay mo na lahat kaso niloko ka parin ng walangya mong syota. Kapal ng mukha noh? Ikaw na nga 'tong mas nagmamahal, ikaw pa nasaktan. Ayan kasi, ang harot harot. Chos! Kung naranasan mo nang mainlove at masaktan, edi bagay pala sayo ang istoryang 'to. Wala namang ibang hangad itong si Jiana Angeles o Jiji kundi makatuluyan ang kanyang love of her life. Ang boyfriend nyang mukhang semento. Ang kaso, nu'ng magpo-propose na sya, (oo sya ang magpo-propose sa boyfriend nya dahil desperate much ang gaga) nadiskubre nyang niloloko lang pala sya nito. Halos mabaliw na itong si Jiji kaya kung ano-ano na ang naiisip. Sa sobrang desperada ng babaita, nag-imagine sya na magkakaro'n sya ng super hot at papable na jowa. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nabuhay ang lalaking iniimagine lang nya! Bongga diba? Anong mangyayari sa buhay ni Jiji ngayong nagkatotoo ang iniimagine nya? Oh interesado ka ba malaman? Promise? Edi sige basahin mo na ang istorya ng imaginerang si Jiji.All Rights Reserved
1 part