Labis ang pangungulila at sakit na naramdaman ni Sabrina nang mawala sa kanya ang lalaking kanyang pinakamamahal. Sa sobrang sakit, naging miserable ang kanyang buhay. Dahil nawala ang kanyang tagapagtanggol sa mga taong umaaway sa kanilang eskuwelahan. Ang kanyang pinakamamahal.
Ang dating masayahin, masipag mag-aral at matalino sa kanilang kaklse ay binago ng sakit ng kahapon.
Ngunit isang araw, isang pamilyar na mukha ang nagbalik. Ang kanyang pinakamamahal. Mahalin nya pa kaya ito gayong may iba nang gumugulo sa kanyang puso? Sino kaya ang pipiliin nya? Sino nga ba ang tunay nyang minamahal?