Niyaya si Seulgi ni Jimin ng isang noncommittal relationship. She love her freedom more than anything else kaya pabor sa kanya ang ganoong relasyon, para lang silang naglalaro, inienjoy nila ang isa't isa at nagsasama bilang isang tipikal na magkasintahan. "We shouldn't fall in love with each other, kasi kapag nalaman kong na-iin love ka na sa akin iiwan kita" malakas na pahayag ni Seulgi kay Jimin "Well, i won't fall in love with you, wag ka rin mai-inlove sa akin kahit napakahirap pigilan mo ang sarili mo." ganti ni Jimin sa kanya at natawa silang pareho Sa isip niya napakadali ng set up nila pero masama nga yata ang nagsasalita nang tapos, she never realize na darating ang araw na mahuhulog ang puso niya para kay Jimin. Ang masama pa dito ay mukhang hindi siya magagawang mahalin nito kahit ano ang gawin niya dahil sa isang babaeng nagngangalang Mina mula sa nakaraan nito.