The Unsent Love (The Kapitbahay Series #1)
10 Bagian Sedang dalam proses Sa loob ng isang barangay na kung saan may magkakapitbahay. Mayroong limang magkakaibigan. Si Cleona, Havier, Rex, Calizto at si Cairo, subalit sa kanilang lima sino nga ba ang may tinatagong nararamdaman?
Si Havier Hellfuego o mas kilalang "Vier" isang normal na lalaki na may normal na pamumuhay, isa siya sa magkakaibigan at isa rin siya sa mga pinagmamalaki ng kaniyang ina na si Emma Hellfuego. Dahil sa maagang pagkawala ng ama nito ay tanging siya na mismo ang tumayong ama sa kaniyang ina at sa kapatid nitong si Elijah Hellfuego.
Sa kanilang magkakaibigan ay siya ang pinakamay matinong pag-iisip at mapagmahal. Kuntento na siya sa buhay niya, sa kaniyang pamilya, kaibigan at pag-aaral. Pero tila may isang bumabagabag sa kaniyang puso't-isipan na tila hinahanap-hanap niya subalit hindi niya naman ito maintindihan. Ang akala niyang isang normal na nararamdaman lang iyon ay isa palang magpapabago sa buhay niya.
Isang sikretong itatago niya sa mga kaibigan niya lalo't higit kay Eona. Isang naramamdaman na kahit kailan ay hindi niya naramdaman noon. At ngayon ang pagkakataon na kailangan niyang itago o hindi kaya ay burahin na lang para sa ikabubuti niya at ng iba.
How can he unsent everything if there's a trace of love?