✔️Completed Sa Moonville Subdivision kung saan nakatira ang magkababatang sina Roe, Alice, Ynzy, at CJ, isang bahay ang misteryosong nasusunog sa gitna ng malakas na ulan. Walang tumulong. Walang nakarinig. Nasunog si Lola Ellena nang walang kalaban-laban. Ang hindi nila maintindihan ay kung bakit binubulabog ni Lola Ellena si Roe, gayong hindi naman sila close ng kapitbahay. Kaya napagpasiyahan nilang pasukin ang bahay, at alamin ang sagot. Ngunit ang 'sang gabing katuwaan lang nila, ay siya pa lang magiging susi sa mga sikreto ng madilim na nakaraan ng Hordlor- isang parallel na mundo ng mga hords, na hindi maaaring ibaon sa limot. Dahil may kapalit.
More details