Sinadya kong makita ni Kaye ang matalim na titig ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung mahal na mahal siya ni Ed. Sa nakikita ko, lolokohin lang niya ang bestfriend ko. Pero hindi mangyayari iyon hangga't magkaibigan kami ng boyfriend niya. Nang mapag isa si Kaye nilapitan ko siya. " Ayos ka rin eh no ? Engaged ka na sa bestfriend ko pero parang gusto mo pa ring magpaligaw sa ibang lalaki. Kayo talagang mga babae oo. Para kayong sasakyan na may extrang gulong. " Na offened si Kaye kaya nasampal niya ako. Matapos niya akong sampalin nagtitigan kami ng masama.