"Ang love, simpleng state of mind lang. When you see someone attractive, nagkakaroon ng release ng dopamine, norepinephrine at phenylethylamine which are responsible for your physiological responses. In short, it's all in the mind. Kaya pwede ko rin gamitin utak ko para iignore yang love love na yan." Meet Elaine "Elle" Montereal. Ang Miss Heartbreaker ng Ashford University. And she breaks hearts sa hindi pagpansin sa mga nagkakagusto sa kanya. Ang pag-ibig ay isang malaking hassle, mas gugustuhin na lang nyang matulog mag-isa kesa may kasama sa kama. "Hindi porke nasaktan ka minsan, hindi ka na ulit dapat sumubok. Parang sa sugat lang yan, hindi naghi-heal kasi maya't maya mo binabalatan." Chloe Fajardo's the typical happy-go-lucky girl. Lahat nadadaan sa ngiti at charm. She's Ashford's Campus Sweetheart. Anong posibleng mangyari kapag nagkabangga ang Campus Heartbreaker and Sweetheart? Will they grab the once in a lifetime opportunity to fall in love or will they let it pass?