Marangya at masayang pamilya ang kinabibilangan ni Allona Monique. She is a typical dalagang filipina na may angking ganda at katalinuhan. Bukod sa tinatamasa ay isa siyang masunurin na anak, mapagmahal na kapatid at mabait na kaibigan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari sa kanyang kabataan ay napilitan siyang mag-ibang bansa. Nangako siya sa sarili na hindi siya magbibigay ng sakit ng ulo sa kanyang pamilya at puro tama lang ang kanyang gagawin. Ngunit sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay isang bagay ang yumanig sa kanyang prinsipyo na walang prenong namaluktot sa kanyang paniniwala. Handa kaya siyang baliin ang tama para sa kanyang pansariling kaligayahan o papanigan parin ang nararapat kahit siya'y masaktan?