Nang ipagtanggol ako ni Paul noong minsang pinagkaisahan ako ng ilang mga kaklase sa amin, naging malapit na ang loob ko sa kanya. Mula noon, palagi na kaming magkasama. Hanggang ngayong college. Sa isang dingding na pumapagitan sa aming dalawa, hindi ko alam kung sapat iyon para maikubli ang lakas ng tibok ng puso ko na tila tumatawag sa kanya. Iniisip kong maganda nga yung mga kwento ng mga magkaibigang natuloy sa pagmamahalan. Pero paano kung wala naman palang nararandaman sa akin itong si Paul? Sure ako. Maapektuhan ang pagging mag-bestfriend namin. Or baka nga, magkalabuan na kami once na malaman niya yung nararamdaman ko. So ang tanong, may check point ba na kapag nag-fail kaming dalawa e balik sa bestfriend mode?
5 parts