"Akin ka sa aking imahinasyon sana nama'y hindi lang hanggang doon kailan kaya ang aking pagkakataon sa panaginip ko'y mahal mo 'ko 'ron.. Gustong gusto kita ba't ba di mo makita? na iniibig ka puso, salita't gawa. Kailan ba may tayong dalawa?" I super love this song! Actually, lahat naman ng kanta ni TJ Monterde (haha fangirl) pero lately napapansin kong madalas kong pinapakinggan to. At habang pinapakinggan ko 'tong kantang to naiimagine ko yung bawat lyrics. Nagagawan ko sya ng kwento unti unti, and why not i-relate ko sa storya ko at ng ibang girls diyan. "Akin ka sa 'king imahinasyon" Pantasya mo lang siya. Kayo sa panaghinip. Gising girl! sabay laklak ng Realidad.