Posible kayang magmahal ng isang tao na kahit kailan ay hindi mo pa nakita? Si Claudine, na "Queen of Musical.ly" sa kanilang campus, ay nagmahal ng isang lalaking sa social media lamang niya nakilala. Sa dami ng nanliligaw at umaaligid sa kanya ay mas pinili niyang lumagay sa isang mahirap na sitwasyon. Alamin kung paano magku-krus ang kanilang landas ng isang lalaking may business na coffee shop--si Dwayne. Paano kaya matatanggap ni "Clang Clang" ang pagmamahal ni Dwayne kung isa lamang itong ilusyon? Pareho silang pinag-tagpo... pero hindi itinadhana.