Sina Bella at Hans ay matagal na bestfriends. Mula sa childhood days at umabot pa sa pagtanda nila. Sabihin na natin na goals sila dahil sa mga achievements nila pero minsan napagkamalan sila na relationship goals sila. Matagal nainlove si Bella kay Hans pero si Hans nainlove sa pinakamagandang call center agent na si Samantha Olivar. Naging sila at nawala na ang pagsasama ng mag-bestfriends. Isang gabi, nakita ni Bella naghahalikan ang magkasintahan at bumuhos ang selos niya. Biglaang nagkaroon ng aksidente. Nung nalaman ni Hans ang nangyari, halos nag-alala siya. Worst, di siya naalala ni Bella dahil sa amnesia Dahil dun, kailangan ayusin ni hans ang alala ng bestfriend niya. Paano kung maiinlove na rin si hans dahil sa mga alaalang ginagawa nila noon? Marerealize na niya si Bella ang true love? O hanggang bestfriends na ang turing sa isa't isa