Sa paglalakbay ng wizard, nakahanap siya ng taong may busilak na kalooban, at kakayahan na isinulat ng propesya. Subalit ang kanyang nakita ay mga bata pa lamang. Ilang taon muna ang kanyang hihintayin, bago niya mapapayag na sumama ang mga iyon sa kanya, sa mundo ng Persia. Sa taglay nitong murang edad, nakikitahan na ng wizard, ang mga bata na magiging malakas sila na mandirigma, balang araw. Ang mga batang kanyang nakikilala ay sina Dia, Lydia, Michael, Dhenver at Johnmark na pawang anak lamang sila ng magsasaka.