Hindi ko alam kung sino siya at kung ano ang gusto niya, lagi niyang ipinaparamdam sa akin ang halaga ko sa kanya pero kahit pangalan niya'y hindi niya masabi sa akin. Paano ko gugustuhin ang isang lalakeng minamahal ako pero nakatago ang buong pagkatao sa isang maskara! Mahal niya ako, mahal ko siya. Pero hindi sapat na dahilan iyon para manatili siya sa piling ko. Sino ba ang pipiliin ko? Ang lalakeng ipinaparamdam sa akin na mahal ako pero hindi ko naman alam ang buong pagkatao niya, Oh ang lalakeng mahal ko at ramdam ko n ganun din siya sa akin ngunit hindi manlang ako binigyan ng halaga.