Alam niyang mahirap, pero ginawa niyang madali. Alam niyang wala siyang mapapala, pero hindi siya sumuko. Alam niyang hindi niya kaya, pero ginawa niya pa ring posible. Ginawa niya ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Hindi niya na inisip ang kanyang sarili.Tanging puso lamang ang kanyang pinairal at pinakinggan. Pero ang lahat ay may hangganan. Lahat ng araw ay lumilipas. Lahat ng kasiyahan ay nawawala. Lahat ng magagandang ala-ala ay naglalaho. Lahat ng tao ay natututunan ding sumuko. At iyon ang ginawa niya. Sumuko siya. Itinigil niya. Para saan pa ang pakikipaglaban kung ang prinoprotektahan mo ay kusa ng sumuko at ikaw na lang ang hindi? Nang sa wakas ay natauhan na siya sa kanyang mga pinaggagagawa ay natutunan niyang hindi sa lahat ng pagkakataon ay puso ang dapat pakinggan. May isip tayo para mag-isip at gumawa ng sa tingin natin ay tama. Alam niyang tama na ang lahat pero hindi niya pa rin mapigilan ang kanyang sariling magtanong. Tama nga ba ang aking desisyon? Ano nga ba ang mas matimbang? Ang aking isip o ang aking puso? My Mind or My Heart?
30 parts