Pagkatapos ng trahedya sa Alhambra Enterprise, sumama ang pangkat nina Gris sa kampo militar ng misteryosong grupo ni Lt. Gen. Voltaire Castillejo. Walang eksplanasyong ibinigay sa kanila liban sa mga bagay na alam na nila, gaya ng pinagmulan ng virus. Mailap ang mga ito mula sa kanang kamay niyang si koronel Kris Mazarine Adenhart at ang siyentipikong si Private Darius Ramos. Mga mabibilis na yabag tuwing gabi, mga palitan ng tingin na may laman. Doon matutuklasan nila ang ilan sa mga katanungang bumabagabag sa kanila sa mundong ginagalawan nila. Doon matutuklasan nila ang mga sariling kahinaan at makababangong muli.