Kasalukuyang tumatakbo si Jake sa isang lugar na hindi niya inaasahan. Nag-aalala siya sa kung anong nangyari sa kanyang kapatid. "Dianne!!",umalingaw-ngaw ang boses niya sa buong paligid. Dahil wala kasi siyang marinig kundi ang malalakas na pagsabog na halos yumanig ang mga building sa siudad. Tumakbo sya ng tumakbo hanggang sa makasalubong nya ang mga taong di niya dapat makita. Bigla siya huminto at napaatras nang tuluyan. "Hinahanap mo ba ang kapatid mo?", sumagot ang isa sa apat na taong tingin niya'y mga hindi pangkaraniwan. B-bakit nyo ba kami hinahabol!!? "Hindi naman siguro masama kung sasabihin ko sa'yo, hindi ba?" , biglang natakot si Jake sa mala-halimaw niyang katanungan na nagpakaba sa kaniya. "Ano bang kailangan niyo!! Ako nalang ang patayin niyo!" "Hahaha, masyado kang nagpapakabayani, bata. At saka halata naman sa'yo na wala kang alam sa mga nangyayari, tama ba ako-"